Levels of Friendship

 

lonerMinsan iniisip ko meron akong sariling mundo at loner ako na maituturing. Minsan iniisip ko wala talagang mga tao na matatawang ko na aking kaibigan. Marami ang alam kong tututol. Sasabihin nila na isa akong friendly at outgoing na tao. Tama din naman sila. Noong estudyante ako, ako yung tipong campus leader na marunong makihalubilo sa lahat ng tao sa eskwelahan – mapa-estudyante, guro o personnel man yan. Kaya sino ang mag-aakala o maniniwala na loner ako. Pero sadyang ganun nga tingin ko sa sarili ko. Napansin ko ito ng mas nagustuhan ko ang day shift sa aking trabaho kung saan konti lang ang tao. Parang pag-mamay-ari ko ang buong kumpanya. Walang masyadong tao. Pwedeng pwede ako kumain na ako lang mag-isa sa buong pantry. Possibleng-possible na pag ako nag-break, wala ng ibang tao akong makikita kundi ang mga guard at janitors. Mapag-isa nga ata akong tao. Loner nga ata ako.

 

 

Pero kung iisipin ko din naman, madami akong naging kaibigan. Sa bawat punto at aspeto ng buhay ko, sa bawat lugar na napuntahan ko o social network na napabilangan, masasabi ko na nagkaroon ako ng mga close na kaibigan. Kaya nga madami ang mga ka-Friendster at Facebook ko. At marami sa kanila galing sa iba’t-ibang lugar. At kahit totoo nga na kapag umalis ako sa isang lugar at hindi ko na nakita araw-araw ang kaibigan na to ay nawawalan na kami ng komunikasyon at hindi na nagiging close, alam ko pa rin na may kaibigan akong matuturing sa tao na yun. Alam ko rin na kapag dumating sa punto na kailangan nya ako o kailangan ko sya, pwede pa rin namin takbuhan ang isa’t isa.

 

Continue reading “Levels of Friendship”