a love post

Spread the love

andito ako. nag aantay. andun sya. nag jjam. anong hinhintay ko? ang text nya. ang tawag nya. magkatext at magkatawagan kasi kami. kung hindi lang sya inaya ng mga kaberks nya na lumabas. bakit ako nagttiyaga na magantay ng ganito? kasi mahal ko sya. kasi naiintindihan ko sya. pero minsan naitatanong ko rin sa sarili ko. tama ba to? o sadyang ka-martyr-an lang?

at dahil wala na akong ibang kasama pa, ikaw na aking blog ang pinagbuntong hiningahan ko na lang. lampas alas dose na ng gabi. madaling araw na kung tutuusin. dapat natutulog na ako. pero eto magbblog para wag antukin. magkatext kasi kami. sya kasi nag request na wag muna ako matulog. pano kung sabihin ko na matutulog na ako at awayin ko sya? hindi ko rin kaya. ako rin ang mapipilitan humingi ng dispensa sa huli at unawain na lang sya.

ang lungkot. kasi masaya naman kami kung tutuusin subalit bakit sadyang may mga pagkakataon na hindi lang talaga nya maintindihan o magawan ng paraan na maging maayos? madaming beses pakiramdam ko ako at ako na lang ang uunawa at mag aadjust. tapos pag naiparating ko to sa kanya, sya ang may gana na magsabi na “eh di wag. iwan mo na ako.” at ako naman ang hindi kakayanin yun at sadyang babalik sa kanya.

pero minsan naisip ko na tama ba? na trinatrato nya ako ng ganito? tama ba? na ganito kung pano ako haharap sa mundo na sinasabing ako ay umiibig at iniibig? ganito ba ang pag-ibig?

hindi ko daw sya sinuportahan. kasi mas pinili ko daw ang death anniversary celebration ng lolo ko kaysa samahan sya kung kelan down na down sya sa trabaho nya. kasama ko naman sya sa unang mga oras ah. sabay naman kami naghapunan at dininig ko ang daing nya at sinabi ang nasa isip ko. ipinarating ko naman sa kanya na kung hindi lang ako sinabihan ng nanay ko na umuwi na ay pipiliin ko parin na damayan sya. inalok ko naman sya na sa bahay muna namin tumambay dahil sasaglit lang ako sa death anniv. imbitasyon na tinangihan nya.

bakit minsan pakiramdam ko ako na lang ang kailangang gumawa ng lahat? pakiramdam ko ang mga efforts ko hindi naman napapansin bagkus natatabunan pa ng mga maliit na pagkukulang na kung tutuusin ay hindi pagkukulang kundi limitasyon na inimpose ng environment sa akin? minsan naiisip ko ang daya naman. ako na ang lagi umiitindi. ok lang naman sakin yun pero sana ma appreciate, sana mapansin at wag na akong makarining pa ng kung anu anung komento na hindi ko naman sya minahal kasi hindi ko naman sya kayang damayan.

nasasaktan sya? nasasaktan din ako. bakit ganito? bakit?

ang tinutugtog pa ngaun ng winamp ay: should i give up? or should i keep chasing pavements even if it leads nowhere?

is this relationship leading nowhere? i promise pa naman that i will remain true and committed to him and this relationship. but i cannot let it work one way. relationships doesn’t work one way.

minsan sumasagi sa isip ko.. ayoko na. ang hirap naman nito. parang ang daya daya. pwede bang back out na? pwede bang wag na lang. ako na lang. sarili ko na lang at ang blog ko at ang Dyos. tama na tong kahibangan na to.

bakit ako? ang lawak ng pagintindi ko. bakit sa kanya ang kitid? bakit hindi nya maintindihan ang limitasyon ko. ginugusto ko naman damayan sya pero sadyang hindi pwede. tapos dahil dun balewala na lahat. balewala na ang mga emails na basta basta ko sinusulat para sa kanya, ang mga pinapagawa nyang signages na kahit sa oras ng trabaho pilit kong gagawin.

sigh.

mahal kita (deleted). kung alam mo lang kung gano ka grabe.

Author: Ace Gucela

Ace loves reading, writing, and sharing her know-how. She's a Science major who pursued a marketing career. Her unique set of skills & experience enables her to effectively craft long-form content for B2B SaaS companies. When not online, she likes baking & cooking.