Chapter 3

Sabi ni Bob Ong, sino daw ang misteryoso: ang tao na hindi mo alam ang pangalan pero alam mo ang takbo ng isip at talambuhay o ang tao na alam mo ang pangalan, edad, trabaho pero bukod dun eh wala ng iba pa?

I’m afraid I belong to the first category. Sabi nga ng kaibigan ko abnormal daw ako dahil ang taas ng self-disclosure ko. Kapag binasa mo ang blogs ko makikita mo dun ang hinagpis ko sa love life, sa trabaho, sa pamilya, sa pag-aaral at sa kung ano-ano pa. kasabay  nito ang mga opinyon ko sa bagay-bagay na nangyayari sa bansa at sa mundo.

Madami sa kanila ang nagugulat na kaya ko ipagsabi sa buong mundo ang buong kwento at detalye ng buhay ko. Pero siguro kasi kilala nila ako. Maliban sa picture ko na makatotohanan (na papalitan ko na), wala ng iba pang inpormasyon sa blogs ko na makapagsasabi na ako nga ang may akda ng mga yan, na ako nga si A.A.C.G. kilala lang ako bilang elleica. Yun na yun. Wala nga sa blog ko ang phone number ko o edad ko o totoong pangalan ko. Ni pangalan ng kompanya ko wala. Hindi ko rin pinapangalan ang mga tao na nakkwento ko.

So hindi ba misteryoso ako? For all my self-disclosure, am I not mysterious enough? Yes you know my life, but then do you know who I really am – details and all. Kaya nga ang tanong, sino ba ang taong mas nakakakilala sa yo? Ang mga katrabaho mo na alam lang ay ang iyong buong pangalan, address at phone number o ang masugid na taga-basa ng blog ko na alam ang pangyayari sa buhay mo at wala ng iba pa? sino ang totoong may kilala sayo?

Kaya siguro mainam na ibalik ko na lang sa pagiging anonymous, kunwari, ang blog ko. Ibalik ang picture nun anime character sa halip na totoong mukha ko. Iwasan ang links sa blog papunta sa personal social networking sites ko. Siguro iwasan na rin ang links galing sa social networking sites ko patungo sa blog (siguro lang to kasi nakakatulong pa rin sa wide readership ng blog ang links galing facebook, friendster, multiply, plurk at kung ano ano pa).

Nakakaaliw ang internet. Pwede kang makilala na hindi. Pwede kang maging ibang tao na hindi rin. Pwede ka magpanggap. Pwede ka  magpakatotoo sa sarili mo. Oo, nakakaaliw nga ang internet. Wag lang sosobra ang gamit. Magkaka DSL na kami sa mga susunod na araw. Mas madali na ang access sa internet.

Chapter 2

Sabi ni Bob Ong, mas mahirap na trabaho ang maging manunulat sapagkat kapag may naisip kang ideya o kaya nagkaroon ng ilaw ng inspirasyon, hindi mo ito pwedeng ipagpaliban. Kailangan kumilos ka agad kung ayaw mong mawala ang ideya o inspirasyon na yun. At malimit walang pinipiling panahon kung kelan uusbong ang ideya o inspirasyon.

And with that said, how many times have I passed up on the opportunity to write? The opportunity to place my thoughts into pen and paper? They said that writers always have a notebook and pen ready, so when ideas come they can jot them down. Writers are inspired by almost anything around them – it may be the simple chirp of a bird or the splendid colors of sunrise; it may be the irritating sound of car horns or the pungent smell of trash; it may be a word said by someone or a collective action witnessed somewhere. Inspiration comes anywhere, anytime at any place. It knows no bounds or limitations. And how many times has it happened that I have been inspired by some observation, some phenomenom around me, with words springing to my mind like colors springing forth from a painter’s skilled hands only to lose that moments inspiration because I had no means nor patience to put those words into writing. But the time is past to regret such lost opportunities. We can only hope for more.

I haven’t yet finished reading Bob Ong’s Stainless Longanisa. But so far I am learning a lot. I have learned that being a writer is indeed a hard job and I have learned that each writer, no matter if the idea is not that unique or original, still has their own style of writing or putting thoughts into words. While I read his book, I am amazed by how easy it is to read his writing; how he can easily communicate using the vernacular language with no care as to the sentence structure or the choice of words. I wonder though if I could ever achieve such freedom in my style. If I could ever write in such a way that my words would all seem like one seamlessly woven thread – easy to follow. I’m afraid that my words or my compositions are not as good. That I tend to resort to high falluting words which I’ve picked up from the books I’ve read. And sometimes I wonder if I could ever achieve that manner of easily conveying ideas or words to my readers.

But then time allows us to practice and practice makes us perfect. Or rather develops our skills. Time will come then when I shall be able to write in a way that is publishable; a way that is easy to read.

chapter 1

Matagal ko na gustong maging manunulat. Bata pa lang ako alam ko nang magiging writer ako balang araw. Nung elementary, akala ko ang ladas na tatahakin ng aking buhay ay ang landas ng isang manunulat. Subalit nakakatawa ang buhay, may iba-iba itong plano para sa atin.

~*~

Mahirap pala talaga magsulat sa Tagalog gamit ang MS Word. An daming pula at an daming auto-correct na words. At kahit nakakahiya mang aminin na mas sanay ako magsulat sa Ingles, (at mas bihasa), still, pilit ko pa rin sinusulat ito sa Tagalog at iniiwasan mauwi sa Taglish.

~*~

Pagkatapos ng elementary, na-train ako na maging isang scientist. Di ko kinakaila na magaling ako noon sa Math, Science at English. Kaya nabigyan ako ng opportunidad na mag-aral sa Philippine Science High School at pinagpala naman na makapasok sa eskwelahan na to. At dahil magandang pakinggan ang ideya na ikaw ay isang iskolar na sumisweldo (may stipend kasi), tinaggap ko ang opportunidad na yon. Hindi ko alam na pinipili ko na pala  ang isang landas ng buhay ko. Pinipili ko na pala maging isang scientist. No return trip na pala to dahil kasama pala sa kontrata namin ay ang pagpili ng isang science-related course sa college. Kaya nauwi sa BS Biology ang kurso ko.

Kung sa bagay may mga Pisay students nga naman na naging writers. Isa na dito ang sikat na si Jessica Zafra. Pero wala pa rin akong naging kahit anong training sa pagsusulat. Ang tanging meron ako ay ang desire na magsulat.

~*~

Nakakahiya na to. An dami sa mga sinulat ko sa taas ang may mga katagang Ingles na di ko man lang ma-translate sa Tagalog. Subalit pakiramdam ko pa rin na dapat Tagalog talaga ang entry na to. Bakit? Malalaman mo sa mga susunod pa na paragraphs.

~*~

Matapos ang college, iisipin mo na either magiging doctor ako, teacher or researcher. Yun naman ang kinahahantungan ng mga BS Bio eh. Pero sa panahon ngayon may isa pang pwedeng trabaho after Bio. Call center agent. Oo. Nasa call center ako, taga-troubleshoot ng mga computer ng mga non-techie na customers. An layo sa pinag-aralan ko. Pero mas malayo pa rin sa gusto ko talagang maging – ang isang manunulat.

Minsan nagtyatyaga nalang ako sa mga blogs ko. DIto na lang inilalabas ang mga ideya na gusto ko ma-publish o mabahagi sa mundo. Pero sa loob-loob ko gusto ko parin maging manunulat sa isang dyaryo o magasin o di kaya makagawa ng isang libro.

Nabasa ko pa lang ang chapter 2 ng Stainless Longanisa ni Bob Ong. Kaya pala, sabi mo. Oo, kaya ganito ang tono ko ngayon. Kahit na normally Ingles ako mag-isip at magsulat, na-impluwensyahan ako ng Tagalog na pagsusulat ni Mr. Ong. (Parang weird – Mr. Ong.)

Sa mga sinulat ni Bob Ong sa librong ito, masasabi ko na sobrang naka-relate ako. Sa pagkwento nya pa lang tungkol sa pangongolekta ng mga libro na hindi naman nababasa, sa pagbili ng mga libro ng hindi sikat na “authors” at sa mga hangarin nya na magsulat ng libro.

Hindi ko pa tapos ang libro nya. Matatapos ko ata ito ngayon tutal day-off ko naman. Pero sa mga unang chapters pa lang, nagising nya muli ang hangarin ko na magsulat. Ang hangarin ko na maging isang writer.

Ngayon wala na ako sa iskwelahan. Nasa tunay na mundo na ako na hindi na nalilimita ng apat na sulok ng classroom. Kung tutuusin pwede ko na magawa ang kahit na anong gusto ko. Ma-pursue ang kahit na anong pangarap na ninais ko. Hindi naman siguro bawal na hangarin ko maging writer at tuparin ko ito kahit na BS Bio ang tinapos ko. Sabi nga sa UP, “Do not let your education interfere with your learning”.

Sa madaling salita, kahit BS Bio ka man, kung gusto mo maging writer, kaya mo. Hindi dahil iba ang kurso na tinapos mo sa pangarap na gusto mong maabot eh hindi mo na maaabot ang iyong pangarap.

Pano ko ba tatapusin to? Hmm.. Siguro mainam na sabihin ang ABANGAN.

ABANGAN ANG SUSUNOD NA KABANATA.

Exit mobile version