bagyo. baha. first time?

Spread the love

Buti may internet na. Akala ko matatapos ang dalawang araw na day-off ko ng di man lang ako nakakagamit ng Internet. Nasira na mga halaman ko sa Farmville dahil na-miss ko ang harvest time ko. Nilalangaw na sa dumi ang pet ko sa Pet Society dahil nakalimutan ko syang paliguan. At sangkaterba na ulit ang messages sa inbox ko galing sa kung anu-anong yahoo groups na kinabibilangan ko. Mahirap pala ang mawalan ng internet connection kahit ilang araw lang. Di nga kami binaha, di nga brown-out, pero wala naman net.

Subalit ng mabasa ko ang news at makita ang pictures ng nangyari sa Manila, Marikina at iba pang malalapit na lugar, at ng mabasa ko ang laman ng sangkaterbang group messages sa email inbox ko, napatigil ako at naisip kung gaano kapalad ng buhay ko. At least wala na ako sa Manila sa mga panahon na to. Pinaka grabe na atang bagyo na naranasan ko noong nasa Manila pa ako ay yung Bagyong Milenyo kung saan an daming puno sa UP ang nagbagsakan at ilang araw kaming walang kuryente. Nakakatakot ang kadiliman sa campus noon. 

Dahil sa wala naman kaming TV sa bahay, internet at radyo na talaga ang main source ng news – bihira na nga gamitin ang radyo. Iba parin pala ang makita ang tindi ng hagupit ng bagyo sa pamamagitan ng pictures at videos sa net. Iba parin ang dating na makabasa ng sandamakmak na messages tungkol sa kung anu-anong relief operations. Iba parin ang makabasa ng real-life accounts ng mga tao na naranasan ang hagupit ng bagyo na di nila inaasahan.

Malimit bagyuhin ang Pilipinas. Kalimitan narin ang bumaha at mag-landslide o magdulot pa ng kung anu-anong pinsala ang mga bagyo. Subalit bihira, sobrang bihira, na ang maapektuhan ng sobrang lupit ay ang sentro ng bansa. Gulat na gulat nga ako ng marinig ko na halos lampas tao na ang baha sa mga lugar na hindi naman kalimitan binabaha sa Metro Manila. 

Ano nga kaya ang rason bakit binaha ang Manila? Sobrang malakas lang ba talaga ang ulan o may mga drainage systems na hindi umaandar? Kulang ba ang mga preventive measures na dapat sana ginawa ng gobyerno? Epekto ba ito ng global warming? 

 

Source: Philippine Air Force

 

 

Ewan. Di ko pa masasagot ng isang scientific and well-researched answer kung bakit Manila ang worst-hit ng bagyong Ondoy. Pero hindi lang baha ang nagawang salanta ng Ondoy. Pati cyberspace puno ng maiinit na salita at palitan ng kurkuro dahil sa epekto ng bagyong ito at sa pagiging insensitive ng ibang mga tao. Saka na ako mag-bblog tungkol dito. Magbabasa muna ako ng posts nila. Mag-fafarmville. At matutulog. 😀

Author: Ace Gucela

Ace loves reading, writing, and sharing her know-how. She's a Science major who pursued a marketing career. Her unique set of skills & experience enables her to effectively craft long-form content for B2B SaaS companies. When not online, she likes baking & cooking.

Exit mobile version