ang naghihirap na mayaman

Spread the love

Ngayon natutuwa ako may kuryente na. Kalahating araw din ako nagtyaga sa init at buti na lang may Bob Ong akong binabasa kaya hindi ako bored. Pinagpapawisan lang ng sobra.

Bakit nga ba sa isang bansa na mayaman sa yamang natural kagaya ng geothermal energy na ginagamit sa electricity, eh uso ang brownout. Yung brownout na pangmatagalan – mga kalahati hanggang isang buong araw? At para sa taong nakatira sa Bicol, kung saan merong isang malaking geothermal plant, bakit madalas padin mawalan ng kuryente?

 

transformers - ng kuryente, hindi ung pelikula

 

 

Sabi nila maintenance daw. Upkeeping. Bakit napakadalas naman yata. Kahit sa trabaho ko, madalas mangyari ang fluctuation ng kuryente. Buti na lang may generator at mga UPS ang mga phone at computer. Kung hindi laking abala sa trabaho ang brownout.

Hindi ko rin alam ang sagot dito. Kaya nga nagtatanong ako. Hindi ko alam kung ano ang problema ng bansa kung bakit sikat na sikat sa atin ang brownout. Ine-export ba natin ang kuryente kaya sub-standard lang ang napupunta satin? Don’t tell me, ine-export natin ang geothermal energy sa bansa tapos mag-iimport tayo ng kuryente. Parang rice lang ata ang ganon. O di kaya sapatos or RTW.

Mayaman ang Pilipinas. Kung resources lang ang pag-uusapan. Sabi ng isa kong kaibigan na architect, lahat daw ng importanteng bato sa mundo gaya ng copper, gold, silver, iron, etc. ay meron sa Pilipinas. Kaya nga ang daming isyu ng mining dito. Madami rin quality goods gaya ng sapatos at RTW ang sa Pilipinas mina-manufacture. Hindi lang yan, pati produce gaya ng rice, crops at fruits, madami din tayo. Lahat ata yan napag-aaralan sa HEKASI sa elementary.

 

Tiwi Geothermal Plant

 

 

Pero ang pinagtataka ko, kung madami pala tayo ng ganun, bakit tayo mahirap? Bakit madaming Pilipino na mahirap pa sa daga ang buhay at nagpupumilit mag-abroad kung gayong madami palang natural resources ang pwedeng pagkakitaan?

Simple lang ata ang sagot dito. Dahil lahat ng income or revenues napupunta sa malalaking kumpanya na humahawak sa mga di-hamak na empleyadong Pinoy. Multi-national companies na ata ang nagkokontrol ng pag-process ng natural resources ng bansa, para i-export sa ibang bansa, na i-import ulit ng Pilipinas at bibilhin ng mga Pilipino sa mas mahal na halaga. Ganon ata ang cycle kaya mahirap pa rin tayo.

O baka naman hindi lang talaga maayos na na-explore ang mga natural resources? Or baka naman na-exploit na sila at ubos na.

 

mga nakakalbong kagubatan

 

 

Pili ka na lang ng gusto mong explenasyon. Basta ang akin, mahirap parin tayo, mahal pa rin ang bilihin at palagi parin brownout. Buti na lang may kuryente na ngayon. Makapag-laro na lang sa PC. Mapakinabangan man lang ang kuryente na ang mahal ng singil.

Author: Ace Gucela

Ace loves reading, writing, and sharing her know-how. She's a Science major who pursued a marketing career. Her unique set of skills & experience enables her to effectively craft long-form content for B2B SaaS companies. When not online, she likes baking & cooking.

Exit mobile version