Wika – Solusyon nga ba sa problema ng Pilipinas?

Sabi ni Rizal ”Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa malansang isda”. Subalit dahil sya ay namumuhay sa panahon ng mga Kastila noon kung saan ang wikang pinaiiral o ginagamit nya ay Kastila, at kung saan wala pang nadedeklarang Pambansang Wika ang Pilipinas – ano kaya ang sariling wika na tinutukoy nya?

Pero hindi yan ang punto ng sinusulat ko na to.

Sa tingagal ng panahon at matapos makalaya sa tatlong malalaking kolonyador sa Pilipinas, may Pambansang Wika na rin ang ating bansa – ang wikang Filipino.

Subalit masasabi nga ba nating wikang Pambansa ang Filipino gayong mas madami ang nahuhumaling sa pangalawang wika ng ating bansa – ang Ingles?

****
Disclaimer: This is a long-delayed blog. Opinions/circumstances may have long since changed.

Bakit Tagalog

Bakit ako nagsusulat sa Tagalog? Or in other words, sa Filipino. Sila ay magkaiba kung di mo natatanong subalit saka ko na ipapaliwang ang kanilang pagkakaiba.

Matagal ko ng sinubukang alamin ang pinakaugat ng mga problema ng bansang Pilipinas. May ideya na ako sa solusyon sa polusyon, kahirapan, kamangmangan at kung ano-ano pang obvious na problema ng ating bansa. Subalit alam ko na upang tuluyang mawala sila ay kailangan kong masolusyunan ang ugat ng lahat ng ito.

Inisip ko dati na ang ugat na yon ay ang values na meron ang Pilipino. Di kaya ay ang kawalan ng disiplina sa sarili o ang sadyang pagiging sakim. An dami dami pang beses ko naisip na ang personal na katangian nga ng Pinoy ang ugat ng mga problema na kinakakaharap ng bayang Pinas.

Noon lamang nag-report ako sa Filipino 40 ko natuklasan ang tunay na ugat – yan ang kawalan ng pagmamahal sa sariling wika. Tama nga na masahol tayong lahat sa malansang isda. Tayong lahat ay matagal nang nahahalina sa wika ng ibang bansa. Nahahalina at nakukulong sa kanilang kultura. Marami sa atin ang sa loob ng ating sarili ay naghahangad na sana sa ibang bansa nakatira. Na sana sa ibang bansa pinanganak. Minsan sa sobrang hangarin natin maging banyaga mas alam pa natin ang kanilang kultura, tradisyon at wika.

Kung ating titingnan kalimitan sa mga bansa na maunlad ay nagmahal ng sarili nilang wika. Sila man ay nasakop at naalipin ng banyaga, nagpursigi parin silang ibalik ang sariling kanila nung sila ay makalaya. Ang kanilang naging kalayaan ay tutal – pisikal, puso at isipan. Ang Pinoy lumaya nga ngunit sa pisikal lamang. Ang kanyang puso at isipan ay nananatiling sakop ng banyaga.

Maging ako guilty dito. Mas alam ko pa paano ipahayag ang sarili ko sa Ingles at yan ay mapapatunayan ng mga journals ko kung saan mas madalas na Ingles ang behikulo ko upang masulat ang mga damdamin ko. At ang subukang sila ay isulat sa Filipino ay masyadong mahirap para sa akin. Paano nagkaganoon ngayong ako ay Pilipino? Hindi ba’t parang sinabi ko narin na mas madali ang ipahayag ang pagka-Pinoy ko sa salitang Ingles? Di ba ironic iyon?

Guilty ako. Subalit sisikapin kong magbago. May 20 taon ako para paghandaan ang aking pagiging pangulo ng bansa. Ang paghahanda na ito ay hindi ko lamang dapat ilimita sa pagtuklas at pag-aaral pano pa magiging mas magaling na lider, sa pagttrabaho upang magkapondo, sa pag-aaral pano papatakbuhin ang isang bansa. Ang aking paghahanda ay dapat ibilang din ang aking pagiging bihasa sa sarili kong wika. Bihasa na ako sa lingua franca ng buong mundo. Dapat maging bihasa din ako sa sarili kong wika ng sa gayon mahihikayat ko ang aking kapwa mamamayan na kung lahat tayo ay magpapakabihasa na sa sarili nating wika – darating din ang panahon na maibabalik ang sarili nating identidad, uunlad tayo at gagalangin sa buong mundo bilang Pilipino – sa isip, sa salita at sa gawa.

Originally written: August 23, 2008

**disclaimer:
This is a long-delayed blog. Opinions/circumstances may have long since changed.

Exit mobile version